"Good morning, everyone. My name is Freud Samson. I am 21 years old. I graduated from Manila Christian University. My interests are watching crime and police procedural foreign TV shows. I also maintain a blog where I write fiction."
It's my first day at work and it feels just like college with all the introductions, awkward claps and whatnots. Panibagong mga mukha na naman ang makakasama ko. I'm getting anxious already kahit na fifteen minutes pa lang ang lumipas.
Sa totoo lang, kung kailangan ko talagang i-introduce ang sarili ko, ganito siguro ang sasabihin ko:
"Good morning, everyone. My name is Freud Samson. I'm gay, as you can notice. I hate being in a crowd. I hate speaking up for myself. I am not friendly. The only people I have in my life are my parents, my twin cousins and my online friends. What I mean is, just don't talk to me. Leave me alone. I'm fine on my own."
Hindi naman ako anti-social. Sadyang malayo lang ang loob ko sa tao. Noong bata kasi ako, ako ang madalas na tampulan ng asar at lait. I was bullied my whole elementary life just because I was "rich" and "blessed". Hindi naman ako ang mayaman. Ang mga magulang ko ang mayayaman.
Wala rin ako naging kaibigan kahit isa. Nakikita kasi nila noon na bago ang mga gamit ko almost every month. Dahil doon, marami yatang nainggit sa akin kaya mayroong iba na inaagaw sa'kin mga gamit ko o di kaya ay sinisira ang mga ito. Hindi ako nagsumbong kahit kanino dahil ayaw ko naman ng gulo. Kapag tinatanong ako ng mga magulang ko kung nasaan ang mga gamit ko, ang sinasabi ko na lang ay naiwan ko sa school. Pinatatag ko na lang ang loob ko. Ibinuhos ko lahat ng nararamdaman ko noon sa pag-aaral kaya gr-um-aduate ako bilang valedictorian ng batch namin.
Lumipat ako ng paaralan pagtungtong ko ng high school, kung saan walang makakakilala sa'kin. Sinubukan kong makipagkaibigan. Akala ko noong first year ako, nagkaroon na ako ng kaibigan sa isa kong kaklaseng babae. 'Yun pala, ginamit lang niya ako para makabili siya ng mga gamit na gusto niya. Madalas ko kasi siyang isama sa mall na nasa tapat lang ng school namin at madalas ay sagot ko ang gastos. Bago matapos ang taon, nalaman ko na lang sa mga ka-section namin na sinisiraan niya ako. Shoplifter daw ako at ako raw ang nagturo sa kanya kaya madalas may bago siyang gamit. Hindi na lang ulit ako nag-react. Umabot ang balita sa principal namin. Sa kanya ko lang sinabi ang totoo. Naniwala siya sa akin dahil nakita naman niya ang school records ko. Pinakiusapan ko na lang siya na huwag na sabihin ang tungkol dito sa mga magulang ko. Huwag na lang din niya sana ipaalam sa iba kung anumang estado ko sa buhay, kahit pa sa mga guro. Hindi ko rin kailangan ng VIP treatment mula sa school. Para doon sa kaklase ko, nakiusap na lang din ako na huwag ito parusahan. Hindi dapat siya papayag ngunit nakita niya yata sa mga mata ko ang paghingi ng awa. Sinabi na lang niya sa akin na ihihiwalay na lang niya kami ng section sa susunod na taon.
Pagdating ng second year, natahimik na ang buhay ko. Natigil na ang tsismis patungkol sa'kin. Ngunit hindi na ako uli sumubok maging friendly. Kung may mga group works man, hindi ako masyado nakikipag-usap sa mga ka-group ko except kung kailangan na kailangan na may mag-lead. Sumali naman ako sa mga school clubs pero bilang miyembro lang. I didn't want to stand out; though deep inside, I know I could've done way better.
Naging ganoon ang buhay ko hanggang sa maka-graduate ako. Hindi na ako nag-asam maging valedictorian ulit. Ayos lang sa'kin na maging honorable mention lang. Hindi naman ako sinumbatan ng mga magulang ko kung bakit hanggang doon lang ang naabot ko. Sinabi ko na lang sa kanila na babawi ako sa college.
Tuwing tinatanong ako ng mga magulang ko kung bakit wala akong pinapakilala sa kanila na mga kaibigan ko, sinasabi ko na hindi naman kasi ako pansinin sa school. Maswerte ako sa mga magulang ko. Hindi sila pabaya sa'kin. Hindi nila pinepwersa na magsabi ako ng mga problema ko. They understand me even without words. I don't know how but they do.
Saka lang ako nagkaroon ng mga kaibigan, in a way, noong magsimula na ang college life ko. Dahil sa dami ng homeworks and research, naaliw at natuto akong magbabad at magpuyat nang dahil sa Internet. Noong high school kasi ako, hindi ako inaabot ng 9 o' clock sa harap ng computer.
Noong una, panay research websites lang ang napupuntahan ko. Kinalaunan, natuto na akong gumamit ng mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter. Natuto na rin ako gumamit ng messaging softwares tulad ng Skype at Oovoo. Napadpad na rin ako sa mga random chat generators tulad ng Omegle at Chatroulette. Nagbasa basa na rin ako ng iba't ibang blogs at forums.
Masasabi ko, nang matuto akong gumamit ng Internet, saka lang ako nagsimulang mamuhay.
Sa Internet ko rin nakilala ang tunay na ako. Dito ko napatunayan na bakla ako.
Dito ko rin nakilala ang first boyfriend ko, si Errol.